Monday, October 10, 2011

Kamulatan ng Pag-ibig

Iisang kahulugan ang tanging kinamulatan ng karamihan.
Pag-ibig daw ay pagsasakripisyo,
Pag-ibig daw ay makikita sa taong iniibig at umiibig.
Marahil tama kayo,
Ngunit ang tunay na pag-ibig ay makikita saan dak0 man sa magulong mundong ito.
Sa bawat pag-ihip ng hangin ng kalikasan,
Sa bawat pag patak ng ulan sa bubong ng bahay,
Sa bawat kulog at kidlat badya ng pag-ulan,
Pag-ibig ay mabibigyang kahulugan.
Sa bawat pagkaway ng mga sanga ng mga puno,
Sa bawat dahong nalalanta,
Sa bawat pamumulaklak ng mababangong bulaklak,
Pag-ibig ay napapakahulugan.
Ang pagsalubong ng ating mga paningin,
Ang mahigpit na pagkakahawak ng ating mga kamay,
Ang bawat ngiting napipinta sa ating mga labi,
Ang maiinit na yakapan at pag-lapat ng mga labi,
Pag-ibig ay nasasalamin.
Ang palitan ng salita sa tuwing may alitan,
Ang pagpatak ng luha sa ating mga pisngi,
Ang masakit na mga salita na ating pinakawalan,
Ang bawat pag-aalala,
Ang tampuhan at batuhan,
Pag-ibig ay napapatunayan.
Tulad ng kalikasan,
Pag-ibig ay nagbibigay-buhay,
Kasabay ng iyong kataohan,
Pag-ibig ay nabubuhay,
Pag-ibig ay patunayan at diininan,
Magmulat at ipamulat pag-ibig ay isiwalat.

No comments:

Post a Comment